The Art of Spotting A Trend: Pistang Tomas


INTRODUCTION

Nagkaroon ng isang event sa UST na kung saan mayroong mga nagbebenta ng locally made products. Pero, guys. Hindi ko talaga ineexpect na sa duration ng event na 'to ay nagkaroon din ako ng sakit diarrhea. Sobrang nataranta ako nung nalaman ko na mayroon pa lang ganito. AS IN SPRAK, mamsh.

AT KAILANGAN PA PALA ILAGAY SA BLOG. 

Double Sprak!

Nag-isip ako kung ano pwede gawin, kung anong pupwedeng sabihin kay Sir para maki-usap, kung pwede lang na gumawa ng iba pang topic o di kaya'y ibang event na lang putahan ko tutal, papalapit na noon ang Senior High Week. 

Pero, hindi eh. I wanted to rise up to the challenge. How can I make this work? I didn't want to sound like I was giving any excuses. Kahit sobrang hindi talaga ako okay noon, I still really wanted to make this blog kahit papaano. 

FORTUNATELY, naging considerate samin ang prof namin (WOOHOO) at extended ang deadline. Nagkaron pa ako ng pagkakataon na pagplanuhan kung anong gagawin. Nagtanong tanong na ako sa mga classmates ko kung ano ba yung event at kung anong makikita roon. Sa kagandahang palad, may mga taong nag-offer akong tulungan at ipakita ang kanilang mga nabili sa nasabing event. 

Nagandahan ako sa mga nabili nila, mukhang wearable at eye-catching ang mga designs. Hiniling ko tuloy na sana bigyan ako ng second chance ni Lord para makapunta man lang ako. Kasi ang gaganda naman daw ng selections sa may jewelries at may tribal and indigenous feels ang dating kasi from the provinces pa galling ang mga bagay. Sobrang nainggit talaga ako noong nakita ko. AAAAAAA

Napagtanto ko na kukuhanan ko ng picture yung mga nabili nila, at yun ang mga nakalagay ditto.

Pero syempre, hindi lang ako basta-bastang hihingi o makikitingin ng mga produktong nabili ng mga friends ko. Kailangan ko suriin. Kung ako nandoon sa event, bibilin ko ba ‘to? Kasi pwede naman akong kumuha na lang ng kahit anong binili ng bestfriend ko tapos lagay dito. Pero gusto ko ng malaman at talagang kaaya-ayang tignan, na akma sa aesthetic ko as a person who likes fashionable things na oo trending rin at pwede kong magamit araw-araw (every minute of everyday kung pwede nga lang!). Naglolokohan kami ng tropa noong pauwi na kami galing last class. Nagsasabi yung isa ng mga ideas niya para sa title, sabi niya: Saan mapupunta ang 200 pesos mo?  Syempre ako naman ‘to, si dagdag ideas: Saan mapupunta ang pangpicture ko na binili ng classmate ko? (kasi nga alaws ako nabili huhuhaha :----(  ) Pero, no offense talaga. Hindi ko naman kasi sinasadyang magkadiarrhea ---- sakit ng isang Linggo. Meron akong Med Cert, I swear! Legit ‘to. 

PROSESO


I observed sa classroom kung ano ang patok.

1.     Ginagamit parin nila hanggang ngayon sa classroom o sa bahay
2.     Maraming lumalapit para tignan at pagmanghaan.
3.     Maraming gusto n asana iyon ang binili
Sa ganoong paraan ay Nakita ko kung ano talaga ang magt-trending dahil sa classroom pa lang eh, marami na ang tumatangkilik. Dalawa lang talaga ang nakita kong ganito at ayoko namang piliting tatlo kasi from a businessman's point of view, 'wag pilitin ang 'di naman talaga. (Or broken hearted POV? che.)

UNANG PRODUKTO 

Photo and model: Yours Truly
          Itong kwintas na ‘to, galing sa isa kong kaklase na lalaki. Noong una kong nakita na suot niya, nasabi ko sa isipan ko, uy, bagay! Suot niya ang Type B uniform ng UST SHS tapos yung lanyard niya ay hindi dark yung colors (tulad nung akin sa picture sa taas). Kung naaalala ko ng tama, yung orihinal na lanyard ng SHS ang suot niya nun kaya napukaw talaga ang mga mata ko. Yung contrast kasi ng yellow at white ng lanyard niya, at yung red at black ng kwintas ay napakagandang tignan. Tapos pareho pang may yellow. Grabe, ang ganda talaga ng pagkakalagay niya, bagay na bagay. Naisip ko agad kung bakit potential itong maging trend (haha potential, shs, geddit?). Ngayon kasi, sa social media like Twitter, ayan maraming mga SHS woke people na gusto talaga suportahan ang sariling atin, lalo na kung ito ay gawa ng mga indigenous people o ka-disenyo nito. Papatok ito sa age group naming kasi bagay  ito sa dilaw/gold ng UST tapos bagay pa kasama ng lanyard. Mostly puti pa yung Type B uniform naming (‘di ito magwowork sa Type A namin, masyadong bland ang color scheme ng top). If marketed right, for sure maraming bibili. Natawa nga rin ako, kasi alam ko yung classmate kong may-ari ng kwintas na ‘yan ang lalapit sa’kin kasi tumutunog din yung maliliit na bells sa dulo. All in all, bibigyan ko ng 4.5/5
         
          ‘Di ko na lang nalagyan ng .5 para perfect, kasi medyo hindi Makita kapag suot yung lanyan ko. Pero, guys. Legit yung craftsmanship niya. Worth the buy kung trip niyong ssuportahan ang mga ganitong bagay. At a fashionista point of view, bagay siya sa uniform nating SHS type b. Basta ‘wag lang masyadong dark yung lanyard niyo. Yun lang. Bow.

PANGALAWANG PRODUKTO


Testing 1 2 3
Front View

Back View

Ay, ito talaga. Grabi itu. Matagal-tagal na akong nakakakita ng mga innovations sa bamboo lalo na't galing ako sa Science High School (kahit hindi halata) noong Junior High. Yung mga research proposal puro my end product katulad ng mga charcoal charcoal na 'yan gamit ang bamboo. O di kaya yun yung ginagamit sa greater product scheme (huwaw). Pero noong narinig ko 'tong bamboo speakers na 'to I'm like SHOOKTD hun. I am shooketh. Shookening. #MillennialInnovations ang peg! Sobrang saya ko na merong nagbenta ng ganyan dun sa event kasi sa Facebook ko lang siya nakikita. Galing naman 'to sa ibang classmate. Pinakita niya sakin yung info nito: Company ay Carinas Margins Inc tapos located sila sa Bicol. Ang cool! So, nagkaroon na ako ng hunch na ethnic groups and and other marginalized communities ang involved dito ngayon naconfirm ko na, na tama nga ako (don't judge me kung late receiver ako, wala talaga ako idea sa mga hanash nun). Skeptical pa ako at first sa product na 'to kasi as someone who likes music, mapili ako sa mga tugtog na naririnig ko. Prefer ko yung maganda yung timpla (parang milo lang eh no), kumbaga, hindi matinis, hindi masyadong echo, 'di naman masyadong ma-bass. Gets niyo ba? So, ako 'tong si makapal mukha hiniram yung Bamboo Speakers ng classmate ko, nagpatugtog at nagpicture. Lo and behold, 4/5 kasi na-elibs talaga ako mga chong. Paulit-ulit ko pang tinanggal at binalik yung phone ko para marinig yung difference ng tunog and chong, parang gusto ko rin ng ganito!!!!! Kung wala lang talaga akong bagong speakers eh! Pero, legit. I could see why this could trend talaga. Innovative and creative! Not to mention, ang aesthetic tignan diba! oy, aq nagpic nyan! HAHA. Binigyan ko lang ng 4 stars kasi medyo off ng kaunti yung timpla at hindi siya pangbigscale productions like practice sa qpark ng dance kind of thing pero mapagttyagaan naman!

ENDING

          Nagenjoy naman ako sa paggawa ng blog na ‘to kahit hindi ako nakapunta sa mismong event. Ang ganda pa nga daw ng opening kasi may pa-parade pa sila! Tapos ang ganda tignan nung mga stalls. Dalawa lang talaga yung nakita ko sa classroom na everyday use, pero napakarami doong sobrang ganda, nakita ko sa blog ng iba kong mga classmate. Magiging proud ka talagang maging Pinoy!


Instagram: @persephxne_  @bibliobae  @glo.upbyjane
Facebook: Adrianne Jane Patinio
Twitter: @fourcyjackson


Mga Komento

  1. Even though you didn't get the chance to witness and experience the Pistang Tomasino for your self, you managed to have noticed the products we are enjoying. You also showed appreciation to those items. Lastly, your blog made me feel that you're really proud of the Filipino culture and the art of it. Patriotic! Love it!!!! <3

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

El Laberinto del Fauno: Pan’s Labyrinth-Film Critique/Review

Climate Change: *hSUK* Is it-Is it real??